ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Walang 'specific threats' sa Zamboanga — Valte


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Walang "specific threats" sa Zamboanga sa kabila ng babala ng tatlong bansa sa kanilang mga mamamayan na huwag munang tumungo sa bahaging iyon ng Mindanao, ayon sa tagapagsalita ng Palasyo nitong Huwebes.

"Upon consultation with our security and law enforcement officials, there are no specifc threats that have been monitored in that area," ani deputy presidential spokesperson Abigail Valte.

Gayunpaman, kinilala ni Valte ang karapatan ng anumang bansa na bigyang babala ang mga mamamayan nito laban sa anumang banta sa kanilang kaligtasan.

Nitong Miyerkules, nagbabala ang mga embahada ng United States, United Kingdom at Australia sa kanilang mga mamamayan laban sa pagpunta sa Zamboanga sa Mindanao dahil umano sa banta ng kidnapping laban sa mga dayuhan doon.

Pero ayon kay Valte, patuloy na binabantayan ng gobyerno ang sitwasyon sa Zamboanga, at patuloy nitong sisiguraduhin ang kaligtasan ng mga mamamayan at mga dayuhan doon.

Nauna nang sinabi ni Armed Forces public information chief Maj. Ramon Zagala na nirerespeto nila ang mga inilabas na travel advisory ng tatlong bansa sapagkat "appropriate" lamang na proteksiyunan nila ang mga mamamayan nila.

"With or without this travel warning, the AFP will continue to be firm in our commitment to protect Filipinos and foreign citizens visiting our country," ani Zagala.
 
"We are vigilant and will continue to monitor the security situation in the country, particularly in Mindanao. Our intelligence gathering and network sharing with other law-enforcement agencies, particularly the PNP, are in place to prevent any untoward incidents that may threaten the peace and stability of our country," dagdag pa niya. — Amanda Fernandez/KBK, GMA News