ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bangkay ng Dutch national, natagpuang may nakabalot na plastik sa mukha sa Cebu


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya ang pagkamatay ng isang 76-anyos na Dutch national na natagpuang sa loob ng kanyang bahay sa bayan ng Argao sa lalawigan ng Cebu.   Batay sa website ng Philippine National Police, natagpuan ang mga labi ni Jack Von Turnholt sa loob ng kanyang bahay sa Argao dakong 8:00 p.m. noong Miyerkules.   Nakita umano ang mga labi ni Turnholt na nakaupo sa isang rocking chair at may nakabalot na plastic bag sa mukha.   "Recovered from his room were a suicide note strapped on the wooden door and medicines found on the table," ayon sa ulat.   Gayunman, hindi pa rin umano inaalis ng pulisya ang posibilidad ng foul play at patuloy ang isinasagawang imbestigasyon. - JGV/FRJ, GMA News

Tags: cebucrime