ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Paggamit ng e-cigarettes at shisha, hinigpitan din sa Davao City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isinama na rin sa mas pinaigting na anti-smoking campaign sa Davao City ang mga electronic cigarettes at tinatawag na shisha. Sa ulat ni Rose Bernales ng GMA-Davao sa Balita Pilipinas Ngayon, sinabing nakasaad sa ipinalabas na executive order ng lokal na pamahalaan na hindi maaaring gamitin ang e-cigarettes at shisha sa mga pampublikong lugar tulad ng karaniwang sigarilyo. Hindi naman umano tutol ang mga nagtitinda ng nauusong e-cigarettes sa bagong kautusan ng lokal na pamahalaan. Batay sa tala  ng Anti-smoking task force, umabot na umano sa mahigit 60 indbidwal ang nahuhuling lumabag sa ordinansa. - FRJ, GMA News