ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

5 magkakaanak na lalaki sa Pangasinan, brutal na pinaslang


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Limang lalaki, kabilang ang isang menor de edad, ang brutal na pinaslang ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa kanilang kubo sa Bugallon, Pangasinan nitong madaling-araw ng Sabado. Kinilala ni Senior Insp. Ryan Manongdo, tagapagsalita ng Pangasinan provincial police, ang mga biktima na sina Rommel Ramoran, 38-anyos; Jomer Ramoran,17; Ronald Ramoran,34; Ernesto Ramoran, 49; at Albert Martinez, 25. Sina Rommel, Ronald at Ernesto ay magkakapatid, habang pinsan nila si Albert. Anak naman ni Rommel ang menor de edad na si Jomer. Sinabing tubong Paitan, Sual sa Pangasinan ang mga biktima at pansamantalang naninirahan sa kanilang kubo sa bakanteng lote sa Royal Subdivision, ayon kay Manongdo. Sa paunang imbestigasyon, lumitaw na kumakain dakong 12:30 a.m. ang mga biktima nang biglang dumating ang may 10 suspek na nakasuot ng bonnet. Ayon kay Manongdo, kaagad na binaril ng mga suspek sa kamay at paa sina Jomer at Albert. Kasunod nito ay itinali umano sa labas ng kubo ang dalawa at saka pinatay sa taga. Samantala, pinagbabaril naman sa loob ng kubo ang tatlong iba pa. Nagawa namang makatakas ng asawa at isa pang anak ni Rommel Ilang basyo ng bala mula sa kalibre 45 na baril ang nakuha ng mga imbestigador sa pinagyarihan ng krimen. May nakuha ring balisong sa katawan ni Rommel at isang cell phone kay Martinez.   Sinasabing sangkot umano ang mga biktima sa ilang iligal na gawain tulad ng pagnanakaw sa mga bahay at cattle.  Napag-alaman din na dati nang nakulong si Rommel sa kasong robbery with acts of lasciviousness. Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis para matukoy ang mga suspek.— FRJ, GMA News

Tags: masaker, massacre