ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga estudyante galing probinsiya dumagsa na sa NCR; pulis naghigpit sa seguridad


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Naghigpit na ng seguirdad ang Philippine National Police nitong Sabado dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga estudyante na galing sa probinsiya na papasok sa kolehiyo at mga pribabadong paaralan sa Metro Manila.

Ayon sa ulat ni Glen Juego sa dzBB nitong Sabado, sinabi nito na nagsimula na ang pagdating ng mga bus na may lulang mga estudyante. Subalit, inaasahan umano ng Quezon City Police District na bubugso ang dating ng mga ito sa pagitan ng Sabado ng gabi at Linggo.

Noong nakaraang Lunes, nagsimula nang pumasok ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan subalit karamihan sa mga pribadong paaralan ay ngayong darating na linggo pa lamang magsisimula ng kanilang mga klase, ayon pa sa report.

Ipinag-utos diumano ni PNP chief Director General Alan Purisima ang pagtatayo ng mga police assistance desks sa mga lugar na malapit sa mga eskuwelahan.

Ipinaalala rin ni Purisima sa mga pulis na bantayan ang mga transport terminal ngayong Sabado at Linggo.

Sa ngayon, mapayapa at banayad umano ang simula ng balik-eskuwela ng mga estudyante ani Purisima. — Rouchelle R. Dinglasan /LBG, GMA News