ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

NDRRMC: 4 patay, 2 nawawala dahil sa mga pag-ulan sa Mindanao


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi bababa sa apat katao ang nasawi samantalang dalawa pa ang nawawala dahil sa malakas na pag-ulan na naranasan sa ilang bahagi ng Mindanao nitong nakaraang mga linggo, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.   Sa ulat na inilathala nito sa website ngayong Sabado, sinabi ng NDRRMC na tatlo sa mga nasawi ay mga bata na natabunan ng landslide sa Zamboanga Sibugay. Samantala, ang ikapat na biktima ay lalaking nalunod sa Bukidnon.   Kinilala ng NDRRMC ang mga nasawi na sina:   - Fatima Maghanoy, 12 - Sherlyn Mae Maghanoy, 7 - Eziquel Meziah Maghanoy, 3 - Cesario Castro, 50   Sinabing nasa bahay ang pamilya Maghanoy nang umulan ng malakas noong Mayo 28 na sinundan ng pagguho ng lupa sa kalapit na burol na tumabon sa kanilang bahay.   Samantala, nalunod naman si Castro habang tumatawid ng ilog sa kalagitnaan ng pagbaha sa river boundary ng Barangas Palacapao at Lipa sa bayan ng Quezon sa lalawigan ng Bukidnon noong Mayo 31.   Nawawala naman sina Jonie Anastacio, 45, ng Sergio Osmeña sa Zamboanga del Norte, at Eugene Maghanoy ng Zamboanga Sibugay.   Sa Davao City, 775 na pamilya ang inilikas mula sa kanilang mga bahay dahil sa bahang tumama sa ilang bahagi ng lungsod noong Hunyo 5. Humupa naman ang baha ng sumunod na araw.   Hindi naman bababa sa siyam na bahay ang nawasak habang 15 naman ang nagtamo ng pinsala. - JGV/FRJ, GMA News

Tags: flooding, typhoon