ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pampasaherong jeepney sa Dagupan City, may libreng WiFi


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patok ngayon sa mga pasahero sa Dagupan City, Pangasinan ang isang pampasaherong jeepney dahil sa karagdagang serbisyo na iniaalok nito-- ang libreng WiFi. Sa ulat ni Ronald Umangay ng GMA-Dagupan sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Huwebes, sinabing ang jeepney na ipinapasada ni Mang Gerry ay bumabiyahe sa Sta. Barbara, Dagupan City. Madali naman daw makilala ang kanyang jeepney na may nakalagay na markang "Kissmark" na siya ring password sa WiFi. Ayon sa ilang pasahero, nakakatulong sa kanila ang WiFi lalo na kung mabagal ang daloy ng trapiko dahil mayroon silang pagkakaabalahan. Bagaman dagdag gastos kung tutuusin ang WiFi, sinabi ni Mang Gerry na nababawi naman niya ang buwanang bayad niya sa WiFi dahil mas dumami ang nakukuha niyang pasahero at mayroon ding nagbibigay ng "tip." Pero paalala ang mga pulis sa mga pasahero ng nasabing jeepney, dapat maging maingat sila dahil maaaring maging target sila ng mga magnanakaw at nang-aagaw ng smart o cell phone. -- FRJ, GMA News

Tags: wifi, jeepney, dagupan