Tinamaan ng dengue, umabot na sa 42,207 katao; 193 sa kanila, pumanaw
Umabot na 42,207 katao ang tinamaan ng dengue sa bansa kung saan 193 sa mga ito ang nasawi sa loob ng halos unang anim na buwan ng 2013. Gayunpaman, sinabi ng Department of Health (DOH) na bahagyang mas mababa pa ito kung ikukumpara sa datos noong nakaraang taon. Sa inilabas na tala ng National Epidemiology Center ng DOH nitong Biyernes, nakasaad na ang dengue cases magmula Enero hanggang unang linggo ng Hunyo ay mas mababa ng isang porsiyento kumpara sa katulad na panahon noon 2012. Pinakamarami sa mga tinamaan ng dengue ngayon taon ay nasa Central Visayas na may 6,023 kaso, mas mataas ng 51-percent kumpara noong 2012 Sumunod naman ang Calabarzon na may 4,742 cases, pero mas mababa ng 17 percent noong 2012. Nabawasan din ng 30 percent ang dengue cases sa Davao Region na may 4,364 kaso. Tumaas naman ng 102 percent ang kaso ng dengue sa Western Visayas na may 4,444 kaso; gayundin sa SOCCKSARGEN na may 3,963 kaso at pagtaas ng 126 percent. Samantala, nakapagtala ng 3,073 dengue cases sa Metro Manila pero mas mababa ito kumpara sa 6,208 cases na naitala sa unang anim na buwan ng 2012. - Quezon City, 617 cases (77-percent decrease) - Manila, 542 cases (65-percent decrease) - Caloocan, 345 cases (67-percent decrease) - Parañaque, 188 cases (67-percent decrease) - Valenzuela, 186 cases (62-percent decrease). Sa kabila ng pagbaba ng kaso ng dengue, sinabi ni DOH Secretary Enrique Ona, na hindi dapat maging kumpiyansa ang publiko dahil kadalasang tumataas ang kaso ng sakit pagsapit ng Agosto at Setyembre. “Dengue needs urgent action and we need it now. In the absence of the usual cures and vaccines, we have to rely on the basics of early prevention and community action,” pahayag ni Ona na makikita sa Facebook page ng DOH. Idinagdag ng DOH na nakikipagtalungan ang ahensiya sa Departments of Interior & Local Government (DILG), Science and Technology (DOST), at Education (DepEd) sa paglaban sa dengue. "DILG will lead all LGUs to implement the Aksyon Barangay Kontra Dengue in high-risk communities; DOST and DepEd together with DOH will scale up the home-grown ovi-larva (OL)-trap technology in selected, priority schools. The new set of local chief executives can easily make dengue control one of their top priorities," ayon sa DOH said. - FRJ, GMA News