ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

65-anyos na guro, pinaslang sa loob ng tinutuluyan nitong silid-aralan sa Malinao, Aklan.


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang social science teacher ang natagpuang patay sa tinutuluyan nitong silid-aralan sa Navitas Elementary School sa barangay Navitas sa bayan ng Malinao, Aklan. Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Jose Remano, 63-anyos, at pansamantalang naninirahan sa silid-aralan kung saan siya binaril.   Ayon kay Police Senior Inspector Bernard Ufano, hepe ng Malinao PNP, nakarinig ng putok ang mga residente sa nasabing lugar nitong Martes ng gabi.   Kinabukasan, nakita ng isang residente ang duguang bangkay ng biktima sa loob ng silid-aralan at kaagad itong ipinaalam sa pulisya.   Pansamantalang naninirahan ang biktima sa silid-aralan matapos masunog ang bahay nito sa nasabing barangay noong Abril.   Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang motibo ng pagpatay at ang pagkakakilanlan sa salarin. -- Jun Aguirre/FRJ, GMA News