ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Bangkay ng batang babae, posible umanong inabuso matapos kunin sa nitso
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Natagpuan na ang bangkay ng batang babae na nawala sa loob ng nitso nito dalawang araw matapos na mailibing sa isang sementeryo sa Santiago City, Isabela. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Miyerkules, sinabing inilibing ang bangkay ng magdadalawang-taong-gulang na bata noong June 14. Pagkaraan ng dalawang araw, nawala sa nitso ang bangkay. Hindi binanggit sa ulat kung saan nakita ang mga labi ng bata pero hinala ng pulisya, posibleng naging biktima ito ng "necrophilia" o taong may pagnanasa sa bangkay. Ang hinala ng pulisya ay batay umano sa kondisyon ng bangkay nang matagpuan. May suspek na umano ang pulisya tungkol sa krimen at tinutugis na nila ito. -- FRJ, GMA News
Tags: necrophilia
More Videos
Most Popular