Pope Francis sa mga biktima ng bagyong 'Yolanda': 'Jesus never lets you down'
Ipinakita ni Pope Francis ang kaniyang pagdamay sa mga biktima ng bagyong "Yolanda" sa ginanap na misa sa Daniel Romualdez International Airport nitong Sabado.
Basahin: Pope Francis apologizes for shortened Leyte visit
"Jesus understands because he also underwent all the trials you have also underwent," anang Santo Papa sa wikang Español. "Jesus never lets you down."
Sa pamamagitan ng isang translator, ipinarating ng tinaguriang “People's Pope” ang kaniyang taos-pusong mensahe sa homiliya sa isinagawang misa na kaniyang pinangunahan.
Nakisimpatya ang Santo Papa sa libu-libong nakaligtas sa nangyaring kalamidad noong 2013, at hindi napigilan ng marami na maluha habang pinakikinggan ang mensahe ng lider ng Simbahang Katolika.
Pahayag ni Pope Francis sa mga taong dumalo sa misa, maaasahan nilang hindi sila pababayaan ng Panginoon sakabila ng nangyaring kalamidad.
“Let us look to the Christ on the cross. He understands us because he endured everything. Let us look to our Mother, Mary, and like that little child, let us grab hold of her mantle, and with a true heart, say, 'Mother,'” ayon sa Santo Papa.
Ibinahagi rin ng Santo Papa sa nasa ikatlong araw ng kaniyang pananatili sa Pilipinas kung papaano siya naapektuhan nang makita ang dinanas ng mga taga-Leyte bunga ng bagyong "Yolanda."
“I’d like to tell you something close to my heart. When I saw from Rome the catastrophe, I felt that I had to be here, and on those very days I decided to come here. I am here to be with you. And though late, I have to say, I am here. I come to tell you that Jesus is Lord. and He never lets us down,” pahayag ni Pope Francis sa harap ng lumuluhang mga tao.
Isa ang Leyte, partikular na ang Tacloban at Palo, sa pinakanapinsala ng bagyong "Yolanda" nang bayuhin nito ang Gitnang Visayas noong Nobyembre 2013. Tinatayang mahigit 6,000 katao ang nasawi at milyon-milyong Pilipino ang naiwang walang tirahan at desperadong makabangon muli sa buhay.
Bukod dito, isang magnitude 7.2 na lindol din ang naranansan sa Visayas, partikular na sa Bohol, noong Oktubre 2013. Nag-iwan ito ng 222 patay at maraming makasaysayang simbahan ang nasira.
Pagsubok ng Panginoon
Inihalintulad ng Santo Papa ang pinagdaanan ng mga biktima ng bagyong "Yolanda" sa sinapit na paghihirap ng Panginoon upang mailigtas ang sangkatauhan.
“Jesus was similarly tested in every way yet lived without sin. Jesus is like us,” aniya.
Dagdag pa niya, “Because he is more like us, he assumed our condition and our sin. He made himself into sin. This is what St. Paul tells us, and Jesus always goes before us. And when we pass or experience a cross, he passed there before us.”
Hinimok din ng Santo Papa ang mga nakaligtas sa kalamidad na lalo pang patatagin ang kanilang pananampalataya dahil naging tapat rin ang Panginoon sa kanila at sa lahat ng tao.
“And if today we find ourselves, 14 months precisely after the Typhoon Yolanda hit, it is because we have the security of knowing we are not going to weaken in our faith, because Jesus has been there before us. In his passion he assumed all our pain,” ayon kay Pope Francis.
‘No words’
Sa kabila ng hindi maikakailang inspirasyon na idinulot niya sa mga nagtipon-tipon sa Tacloban upang makapakinig ng misa, inamin ng Santo Papa na hindi siya makahanap ng mga salitang sapat para madamayan ang mga naging biktima ng bagyo.
Sa halip, inanyayahan niya ang lahat na tahimik na magdasal kay Hesus at Birheng Maria.
Aniya, “So many of you have lost everything. I don’t know what to say to you. But the Lord does know what to say to you. Some of you have lost part of your families. And I walk with you all with my silent heart. Many of you have asked the Lord, 'Why Lord?' And to each of you, to your heart, Christ responds from his heart from the cross.”
“I have no more words to tell you, let us look to Christ. He is the Lord. He understands us because He underwent all the trials that we, that you, have experienced. And beside the cross is His mother. We are like this little child, just there,” dagdag pa ni Pope Francis.
Matapos nito, pinaalalahanan niya muli ang mga mananampalataya na hindi sila bibiguin ng Panginoon kailanman.
“Father, you might say to me, I was let down because I have lost so many things, my house, my livelihood. It’s true if you would say that and I respect those sentiments, but Jesus there, nailed to the cross, and from there, He does not let us down. He was consecrated as Lord, on that throne. And there he experienced all calamities that we experience. Jesus is Lord. And the Lord from the cross is there for you,” giit niya.
Bukas sa publiko ang nasabing misa, at kabilang sa mga wikang ginamit sa mga bahagi nito ay English, Filipino, Latin, Bisaya, Cebuano, at Hiligaynon.
Dumating ang Santo Papa sa Leyte sa kabila ng masamang panahon. Matatandaang nasa isinailalim ng storm signal no. 2 ang lalawigan nitong Sabado ng umaga. -- BRDabu/FRJ, GMA News