ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

23 katao naospital nang makalanghap ng acetylene sa Pasig


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawampuʼt tatlo katao, kasama ang dalawang sanggol, ang isinugod sa ospital matapos makalanghap ng tumagas na acetylene sa isang junk shop sa Pasig City. Ayon sa GMA News, nangyari ang insidente sa Mercedes Avenue sa Pacita Compound, San Miguel village, Pasig City nitong Lunes. Natanggal na diumano o nabura ang mga labels ng mga tangke, ayon sa balita. Ilang residente ang nakaramdam ng pagkahilo matapos malanghap ang singaw mula sa tanke ng acetylene banding alas-9 ng umaga. Isinugod ang mga biktima sa Pasig City General Hospital. Hindi naman pinangalanan sa balita ang mga biktima, kasama ang mga sanggol. Pinayuhan ng mga otoridad ang mga residente na lumayo ng may 300 metro mula sa lugar ng pagtagas habang iniimbestigahan ng mga pulis ang responsibilidad ng may-ari ng junk shop sa paglabag sa ilang safety procedures. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV

Tags: acetylene