Inaresto ng mga awtoridad ang isang buntis sa Pandacan sa Maynila na nahulihan ng umano'y shabu.

Ayon ulat ni Darlene Cay sa "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabimg anim na buwang buntis si Elizabeth Quintin nang silbihan siya ng warrant of arrest ng Pandacan Police Station, sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Inamin naman ni Quintin na bumibili siya ng shabu pero iginiit niyang napag-utusan lamang siya. Dagdag pa nito, P50 lamang ang halaga ng shabu at isang beses pa lang ito nangyarari.

Samantala, isang lalaki rin ang arestado sa kasong pagnanakaw. Kinilala ang suspek na si Louie Diwa.

Igiit ni Diwa na nadamay lamang siya sa mga kasamahan sa pang-shoplift.

Arestado rin ang isang lalaki sa kasong attempted homicide matapos masaksak ang sariling kapatid.

Inamin ng suspek ang bintang at iginiit nitong self-defense lang ang nangyari. Ipinagtanggol lamang umano niya ang kanyang mga magulang laban sa kapatid. —Sherylin Untalan/LBG, GMA News