Umabot na halos P300 milyon ang jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Miyerkules ng gabi, June 29, 2022.

Pero batay sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), wala pa rin mapalad na nakakuha ng mga lumabas na numero.

Ang winning number combination ay 07-09-51-02-24-39, at mayroon itong kabuuang premyo na P298,452,472.00.

Sa Sabado, July 2, ang susunod na draw sa Grand Lotto 6/55.

Wala ring tumama sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45, na may premyong P8,910,000.00.

Ang mga lumabas na numero ay 39-10-07-42-36-22.--FRJ, GMA News