Dead on the spot ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa North Caloocan.

Napasubsob na lang ang driver na kinilala bilang alias Nonoy, ayon sa ulat ng Unang Balita ng GMA News nitong Lunes.

Nangyari ang insidente sa Barangay 176.

Base sa imbestigasyon, magkaangkas sa motorsiklo ang mga suspek.

Ayon naman sa ex-officio ng barangay, dati umanong gumagamit ng ilegal na droga ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. —KG, GMA Integrated News