ADVERTISEMENT

News

Pulis, huli sa pagbebenta umano ng droga sa Maynila

Inaresto ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang miyembro ng Philippine National Police Drug Enforcement Unit dahil sa pagbebenta umano ng ilegal na droga sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, kinilala ang suspek na si Staff Sergeant Ed Dyson Banaag.

Nakuha sa pulis ang P170,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu at kinumpiska rin ang kaniyang service firearm at ilang bala.

ADVERTISEMENT

Tumangging magbigay ng pahayag ang pulis.

Hindi pa nagbibigay ng karagdagang detalye ang NCRPO dahil may isinasagawa pa silang follow-up operations.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News