ADVERTISEMENT

News

3 menor de edad, huli sa pambubugbog at pagnanakaw sa kapwa binatilyo sa QC

Inaresto ang tatlong menor de edad matapos bugbugin at pagnakawan ng cellphone ang kapwa nila binatilyo sa Aurora Boulevard, Quezon City.

Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Martes, sinabing bibili lang daw noon ang biktima nang mangyari ang panggugulpi.

Nakita ito ng mga rumurondang pulis sa lugar kaya nadakip ang mga gumulping kabataan.

ADVERTISEMENT

Nabawi sa kanila ang ninakaw nilang cellphone.

Dalawa sa mga children in conflict with the law (CICL) ay 16-anyos, samantalang 15-anyos lamang ang isa na pitong beses nang nasangkot sa pagnanakaw.

Nasampahan na sila ng reklamong robbery snatching with physical injuries.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News