Patay ang magkapatid na parehong menor de edad sa Goa, Camarines Sur matapos makuryente, ayon sa ulat ng Unang Balita mula sa GMA Regional TV Balitang Bicolandia nitong Martes.

Ayon sa pulisya, pinutol ng isa sa magkapatid ang puno ng saging at tumama ito sa live wire kaya sila nakuryente.

Sinubukan pang dalhin sa ospital ang magkapatid pero binawian din sila ng buhay.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad.  —KBK, GMA Integrated News