Nabulabog ang isang pamilya sa Roxas City, Capiz nang makita nilang may ahas na nakapasok sa kanilang bahay at sumuot sa kanilang inidoro.

Sa ulat ng GTV "State of the Nation" nitong Martes, sinabi ni Lester Vega, na nagising sila sa pagtahol ng kanilang aso noong madaling araw.

Doon na nila nakita ang malaking ahas na nakapasok sa kanilang banyo at sumuot sa inidoro.

Isinara umano nila ang banyo at humingi ng tulong. Kinaumagahan, nakita ang ahas sa bintana.

Ligtas naman na nahuli ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang ahas. --FRJ, GMA Integrated News