Hindi naiwasang mangamba ng mga taga-Caramoan sa Camarines Sur matapos nilang mamataan ang isang ipo-ipo na nabuo malapit sa kanilang lugar.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia, na iniulat din sa "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabi ng mga nakakita na halos isang oras namuo ang ipo-ipo bago ito tuluyang nawala.

Wala namang napabalitang nasaktan.

Nagpaalala ang PAGASA sa mga mangingisda na huwag nang pumalaot kung makitang nagdidilim ang kalangitan dahil maaari itong makabuo ng ipo-ipo. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News