Isang menor de edad ang natagpuang patay sa San Ildefonso, Bulacan na may posas sa kamay at nylon cord sa leeg, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Samuel Mansat, 17 anyos. Natagpuan ang kaniyang bangkay sa isang palayan.

Ayon sa ama ng biktima na si Sonny, hindi raw niya alam kung may kaaway ang anak dahil palakaibigan daw ito.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya. —KBK, GMA Integrated News