Kakaiba ang paraan na naisip ng guro na si Michael Angelo Maleriado sa pagkuha ng attendance ng kanyang klase sa isang pampublikong paaralan sa Imus, Cavite. Imbes na isulat ang mga pangalan sa notebook, may kanya-kanyang QR Code ang mga estudyante na ginagamit para sa isang app sa cellphone ng guro. Bukod sa mas madali ang proseso at "paperless" o hindi na kailangan gumamit ng papel, naging interesado rin ang kanyang mga estudyante na pag-aralan kung paano ginagawa ang mga QR Code. Ang iba naman, naisipan pang i-print ito habang ang iba ay inilagay nalang sa cellphone nila.