'Liza is beautiful' - Papa Dudut | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mahigit limang taon nang magkasama sa radyo sina Papa Dudut at Ate Liza, at kilala na sila bilang isang matatag na tandem ng Barangay LS. Araw-araw sila magkasama sa 'Radyo Nobela' at kilala na talaga nila ang isa’t isa. Sa lahat ng qualities ni Ate Liza, ano nga ba ang pinakahinangaan ni Papa Dudut?

"Liza is beautiful" - Papa Dudut


Mahigit limang taon nang magkasama sa radyo sina Papa Dudut at Ate Liza, at kilala na sila bilang isang matatag na tandem ng Barangay LS.

Araw-araw sila magkasama sa Radyo Nobela at kilala na talaga nila ang isa’t isa. Sa lahat ng qualities ni Ate Liza, ano nga ba ang pinakahinangaan ni Papa Dudut?

Smart

Hinahangaan ni Papa Dudut ang kanyang partner dahil sa angking talino nito. Hindi lang ito nagtapos sa University of the Philippines, pero substantial din ang kanyang sinasabi araw-araw.

“Napaka-talino [niya, kaya] napakarami kong natututunan sa kanya every day, kapag nag-a-adlib kami. Hindi niya lang nahahalata [pero] ina-absorb ko muna ['yung mga sinasabi niya],” nakangiting kinuwento ni Papa Dudut.

Dahil matalino si Ate Liza, masarap din daw siyang kausap.

“At least kapag (ang) nakakausap mo ay matalino, nahahawa ka nang konti,” patawang sabi ni Papa Dudut.

Adventurous

Marami nang napuntahang mga lungsod at bansa si Ate Liza, ayon kay Papa Dudut. Siya rin daw ang nagsasabing magbiyahe naman daw si Papa Dudut para i-reward ang sarili.

“Siya [ang] nagsasabi sa akin na ‘Alam mo, nagtatrabaho ka nang mabuti. You should travel. Kailangan mag-travel ka once in a while’,” sabi niya.

Dahil well-travelled ang kanyang partner, sabi ni Papa Dudut, malakas din ang kanyang survival instinct.

“Dalhin mo (siya) sa isang isla, kaya niyang mag-survive. Kung ako, iiyak ako nun eh,” biro niya.

“Siya kasi, halimbawa, dalhin mo siya sa lugar na wala siyang kilala, kaya niyang makabalik sa bahay nila just by asking people,” dagdag ng radio host.

Beautiful

Ang huling adjective na ginamit ni Papa Dudut para i-describe si Ate Liza ay tumutukoy sa panlabas at panloob na pagkatao ng kanyang partner.

“Liza is beautiful. Isa akong buhay na saksi sa lahat nang 'yan,” aniya.

Pakinggan ang kulitan ng dalawang Barangay LS DJs weekdays mula 9 hanggang 11 a.m. sa Barangay LS 97.1.

-- Text by Meryl Ligunas, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com