Ano ang advice ni DJ Chikotita para sa mga nangangarap maging DJ? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Noong nakaraang linggo, kasama si DJ Chikotita sa mga Barangay LS 97.1 DJs na nakabonding ng Kapuso chatters sa live chat. Sa aming exclusive interview sa kanya, nagbigay siya ng payo para sa mga nais ding maging DJ katulad niya.

Ano ang advice ni DJ Chikotita para sa mga nangangarap maging DJ?


Noong nakaraang linggo, kasama si DJ Chikotita sa mga Barangay LS 97.1 DJs na nakabonding ng Kapuso chatters sa live chat. Sa aming exclusive interview sa kanya, nagbigay siya ng payo para sa mga nais ding maging DJ katulad niya.

Nang makausap namin ang kalog at masayahing DJ, kinumusta naming siya sa kanyang live chat experience.

Aniya, “Sobrang saya dahil first time ko itong ginawa. Tatlong taon po akong DJ sa radio at talagang na-enjoy ko iyong live chat dahil hindi nakakapressure.”

Isa si Chikotita sa mga taong masipag at nakakapag multi-task ng iba’t ibang trabaho. Hindi lamang DJ si Chikotita. Siya rin ay area manager ng isang oil company. Para sa kanya, magagawa ito ng kahit sino basta ilista nila ang kanilang mga targets at sundin ang kanilang schedule.

Para naman sa mga nais sumunod sa kanyang mga yapak, nagbigay ng advice si Chikotita.

“Ang pinakamaganda po kung gusto ninyong maging DJ, maganda po na mayroon kayong niloo-look up na isang DJ,” anang Barangay LS 97.1 DJ.

Pagpapatuloy niya, “Magandang motivation iyon, pero don’t ever try naman to copy iyong buong pagkatao niya. Kumbaga, inspiration lang para matake  ka sa landas na gusto mong i-take.”

Siyempre, walang mangyayari kung hanggang panaginip o plano lamang. Kailangan umaksyon at mag-apply kung mayroon mang mabalitaang opening. Hindi dapat palampasin ang bawat pagkakataon upang magkaroon ng career sa radyo.

Para sa mga masugid na tagapakinig niya, ibinigay ni Chikotita ang mensaheng ito:

“Mga kabarangay, maraming maraming salamat po sa patuloy ninyong pagtangkilik sa Barangay LS. Proud talaga ako kapag nakikita ko iyong sister stations natin mula sa Baguio, Dagupan hanggang sa Davao at Gen San.”

Abangan si Chikotita sa Barangay LS 97.1 tuwing Sabado. Kasama niya si Papa Carlo sa Barangay Showbiz mula 8:00 am to 9:00 am. Kasama naman niya si Ate Liza sa Status of the Nation mula 9:00 am hanggang 11:00 am.

-Text by Samantha Portillo, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com