Saan makikipagkulitan sina Papa Baldo, Chikotita, Mama Cy, Mama Emma, at Papa Bodjie ngayong summer? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa nakaraang live chat ng ating mga ka-barangay na sina Papa Bodjie, Papa Baldo, Mama Emma, Chikotita, Mama Cy nagbahagi sila ng kani-kanilang summer plans. Saan nga ba sila magpupunta?

Saan makikipagkulitan sina Papa Baldo, Chikotita, Mama Cy, Mama Emma, at Papa Bodjie ngayong summer?


Sa nakaraang live chat ng ating mga ka-barangay na sina Papa Bodjie, Papa Baldo, Mama Emma, Chikotita, Mama Cy nagbahagi sila ng kani-kanilang summer plans. Saan nga ba sila magpupunta?

Ayon kay Papa Bodjie, hindi kumpleto ang kanyang summer kapag hindi siya pumupunta sa Boracay. Ibinuking pa ni Papa Baldo na tatlong beses na pumunta si Papa Bodjie sa Boracay ngayong taon.

“Boracay is the place to be. Oo, kasi walang butanding doon ‘di ba?” biro ni Papa Bodjie.

Naiiba naman ang plano ni Chikotita dahil plano niyang mag-out of the country adventure. Aniya, “ngayong summer, first time ko po kasi magkakatatak sa passport. Makakarating na ako sa HongKong! First time ko po ‘yun, kasi wala pa po kasing tatak ang passport ko. Makarating man lang doon”.

Isang dream summer destination naman ang ibinahagi ni Mama Cy. Tulad ni Chikotita, isang out of the country trip ang gusto niyang gawin.

“Yung pangarap ko, gusto ko talaga sa London. 'Yung makatotohanan, Japan, kasi nga 'yung tatak lang ng passport ko ay not valid in Iraq wala na ngayon kasi nga nagpa-renew na ako, so wala nang tatak”.

Ngunit hindi muna ito matutuloy dahil sa kanyang commitments. “Gusto ko, pero ang makatotohanan ay nasa opisina lang talaga ako,” saad niya.

Si Mama Emma naman ay piniling maging loyal sa kabila ng init sa tag-init. “There is no other place than Barangay LS. Wala doon lang din,” natatawang pahayag niya.

Makipagtugstugan araw-araw kasama sina Papa Baldo, Chikotita, Mama Cy, Mama Emma, at Papa Bodjie sa Barangay LS 97.1. Maaari ninyong balikan ang kanilang masayang chikahan sa live chat rewind, coming soon on GMANetwork.com.

-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com