Bakit laging kabado si Papa Baldo?
May 15 2014

More than three years ng DJ ng Barangay LS 97.1 si Papa Baldo, o si John Paul Eugenio Ubaldo sa totoong buhay, pero araw-araw pa rin daw siyang kinakabahan kapag sasalang na siya sa kanyang programa.
"Everyday talaga kinakabahan ako, kasi siyempre libo-libo 'yung nakikinig sa 'yo araw-araw. Hindi nawawala ang kaba ko every time na uupo ako sa programa ko kasi nga hindi ko alam kung may iko-contribute ba ako sa entertainment, kung may magagawa o masasabi ba akong magugustuhan ng listeners ko, kung may time ba na papatayin na lang nila ang radyo kasi hindi nila gusto ang mga naririnig mula sa akin. Sobrang hassle 'yun," paliwanag niya.
Nakakadagdag din daw sa kaba niya ang fact na nagdalawang isip siyang maging DJ dito sa Manila. Una kasi siyang naging DJ sa Lipa City, Batangas.
"Yung diskarte ko at mga natutunan sa probinsiya ay ibang iba dito sa Manila, pero sa tulong ng mga kasamahan ko, mga co-DJs ko, tinuruan nila ako, and at the same time, 'yung training na binigay sa akin ng boss ko is sobrang intense."
If there is anything na nagpapakampante kay Papa Baldo, ito ay ang guests at callers niya.
"In general, ang mga callers ko nakakatuwa din, iba't iba ang personality. Sinasabayan din nila 'yung trip ko as a DJ. Sa guests ko naman, siguro mga artista na na-overwhelm ako, na hindi ko inaakala na walang abiso pero bigla na lang papasok sa booth and then may ipo-promote."
Sa mga guests niya sa programa, kanino naman kaya na-starstruck si Papa Baldo?
"Una si Dingdong Dantes, kasi after nung nagpa-picture kami, tinitigan ko ang picture, hindi nagkakalayo ang itsura namin. Grabe, mataba lang pala ako ng kaunti (laughs). Seryoso, si Dingdong Dantes, tapos nasundan pa nina Regine Velasquez, Richard Gutierrez, 'yung mga big stars dito sa GMA. Minsan nangyari pa na nagkaroon ako ng guest na international, 'yung Lawson band."
Tune in to Papa Baldo's 3Play, Mondays to Fridays from 3 p.m. to 6 p.m., and Barangay All Star Request, Sundays from 9 a.m. to 11 a.m. on Barangay LS 97.1. For updates on your favorite Kapuso stars and shows, visit GMANetwork.com. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com
Scroll to top