Pang-macho rin ang 'My Love from the Star' - Papa Baldo
June 18 2014
By AEDRIANNE ACAR
Machong-macho si Papa Baldo at hindi ang tipo na nahihilig sa TV shows na reeking with kilig factor.
Pero sadyang iba ang hatak ng My Love from the Star at pati ang gentle giant ng Barangay LS ay nasama sa milyon-milyong Pilipino na na-hook sa kwento ng destiny nina Matteo Do at Steffi Cheon.
“Kasi ako bilang lalaki minsan lang ako mahila ng mga ganyang klase. Pero hindi ko sinasadya na mapanood ko siya, matutukan ko siya. Ang cute!” sabi ng ngayon ay fan ng hit Korean serye sa Kapuso Network.
Iba raw kasi ang dating ng show na tungkol kay Matteo Do, isang 400-year-old alien na nagbalik sa Earth upang hanapin ang isang babaeng nakilala niya ilang daantaon na ang nakalilipas at ngayon ay dapat niyang isalba. Kaso, nanghihina si Matteo at hirap siyang gamitin ang kanyang powers dahil na-i-in love na siya kay Steffi, ang weird na artista na dapat niyang protektahan.
“Madaming kalokohan, maraming (scenes na) nakaka-in love, nakakakilig, nakakahalina or nakaka-addict,” dagdag ni Papa Baldo.
Ever the music expert, inihalintulad ni Papa Baldo ang success ng My Love from the Star sa kantang Gangnam Style ni Korean singer Psy. Naka-mahigit two billion views at halos 8.5 million likes na ang Gangnam Style sa Youtube.
“Ang ganda nung istorya at the same time, napaka-dramatic,” aniya.
Manghang-mangha rin siya sa kasikatan ni Korean actor Kim Soo Hyun, na gumaganap na Matteo Do.
Super ganda rin daw ng theme song ng show, ang My Destiny ni Lyn, kaya’t patok na patok ito sa listeners ng DWLS 97.1.
”Pag narinig na ‘yun siyempre ibig sabihin parang may special scene doon sa My Love From the Star. That’s why ‘yun siyempre (ang) nagustuhan ng mga tao kahit Korean ‘yung kumanta. Korean and English ‘yung song actually di ba. Ang galing!” dagdag niya.
Scroll to top