Papa Jepoy, tinawagan si PNoy
June 19 2014
By MICHELLE CALIGAN
Kung ikukumpara sa kanyang Potpot and Friends co-hosts na sina Papa Bodjie at Mama Cy, si Papa Jepoy ang pinakamakulit sa kanilang tatlo.
Masuwerte nga raw siya at mahaba ang pasensiya ng kanyang mga kasamahan sa programa dahil hindi sila napipikon sa kanya.
Non-stop na tugtugan at tawanan ang hatid ng kanilang radio show, lalo na't sila ang tumatawag at hindi ang tinatawagan ng listeners.
May natawagan na kaya silang hindi natuwa sa kanilang ginagawa?
"Mayroon kaming yellow pages. Nakita ni [Papa] Buboy, alam mo kung sino? Henry Sy! ?Tinawagan namin. 'Ito po ba ang bahay ni Henry Sy?' 'Oo.' So nagpakilala kami, binabaan kami (laughs)," nakakatawang pagkuwento ni Papa Jepoy.
Dahil sa pangyayaring iyon, naisip niyang tawagan pa ang ibang sikat na personalidad, kabilang na ang mga opisyal ng gobyerno.
"Hinanap ko 'yung number ng bahay ni PNoy. Nakuha ko, kaso lang walang sumasagot. Ang nangyari, hinanap ko 'yung kay Vice President Binay. Natawagan namin, nakausap ko 'yung tita niya. Wala siya roon, busy raw. Hindi ko makakalimutan 'yun."
Kahit ang 24 Oras anchor na si Mike Enriquez ay hindi nakaligtas sa kakulitan ni Papa Jepoy.
"Si Mike Enriquez tinawagan din namin, sa baba. Sabi ko 'Pahinging bonus!' Nakakatawa rin 'yun, buti sumakay siya."
Scroll to top