DWLS DJs on the Nora Aunor National Artist issue | GMANetwork.com - Radio - Articles

What are the thoughts of DWLS DJs on Superstar Nora Aunor's exclusion in the prestigious roster of the country's National Artists? 

DWLS DJs on the Nora Aunor National Artist issue

By AEDRIANNE ACAR 

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Laman ng mga balita ang hindi pagkakapili kay Superstar Nora Aunor bilang National Artist. Noong June 21, isinapubliko ng Malacanang ang anim na bagong hinirang na National Artist na pinili ni President Benigno Aquino III.
 
Ito ay sina Alice Reyes (for Dance), Ramon Santos (for Music), Jose Maria Zaragoza (for Architecture, Design and Allied Arts), Francisco Coching (for Visual Arts), Cirilo Bautista (for Literature) at Francisco Feliciano (for Music). 
 
Dahil dito maraming fans ni Nora ang nadismaya na hindi napasama ang kanilang idolo para mabigyan ng natatanging parangal. Nakilala man ang Superstar bilang magaling na aktres, gumawa rin ng marka si Ate Guy sa mundo ng music industry. 
 
Isa sa mga classic songs ni Nora na tumatak sa isipan ng mga Pinoy ay ang Kahit Konting Awa. 
 
Kaya tanong namin sa mga DWLS radio host kung ano ang opinyon nila sa hindi pagkaka-award sa nag-iisang Superstar bilang National Artist ng bansa. 
 
Papa Bodjie: “Si Nora Aunor kasi we all know she is the Superstar 'di ba. When you say Superstar you almost have everything pagdating sa singing, pagkanta, pag-arte ang everything and nakilala na yung pag-a-acting niya sa ganoong paraan. 'Pag sinabi mong Nora Aunor, alam mo talagang hindi puwedeng [hindi] i-connect yung Superstar eh.

"I think she deserve na maawardan bilang one of the National Artists, kasi marami na siyang na-contribute na magagandang movies sa Philippines. And kahit sa ibang bansa. 'Di ba she was recognized by her talent at dapat talaga na makasama talaga siya bilang National Artist. 'Di ba iba pa rin yung feeling na yung as [a] Filipino may kilala kang buhay pa na National Artist 'di ba. Iba yung feeling na ganun eh nakaka-proud.” 
 
Papa Dudut: “Depende kasi sa taong nagsasalita noh. Pero with Nora Aunor marami naman siyang napatunayan na, hindi man ibigay yung award as of now ang nagbibigay naman kasi ng award sa kanya, recognize siya sa kanya yung mga taong umiidolo sa kanya. Wala man yung plaque, pero kung nasa puso naman ng mga umiibig sa kanya deserving si Nora Aunor mas magandang reward yun na may mga taong naniniwala sa iyo kaysa sa isang tao lang or isang samahan lang or grupo lang ang nagbigay sa iyo ng award. Alam mo tulad niyan maraming nagco-comment bakit hindi nabigyan si Ate Guy, it only means that she is deserving.”
 
Papa Obet: “I believe na someday magiging National Artist din si Ms. Nora Aunor pero in the right time 'di ba. Generation by generation, hindi man sa ngayon but someday magiging National Artist din siya. And then hindi lang naman si Ms. Nora Aunor ang nakapag-ambag sa music industry ng mga songs na talaga namang classic. Talagang masasabi nating OPM kundi maraming artist din na kasabayan niya na ganyan din hindi rin hinirang.”