New Kabarangay Papa Marky, an inspiration to working students | GMANetwork.com - Radio - Articles

Alam niyo bang scholar siya ng yumaong DILG Secretary Jessie Robredo?

New Kabarangay Papa Marky, an inspiration to working students

By AEDRIANNE ACAR


 
Higit na mas kapana-panabik ang mga umaga ninyo mga Kapuso dahil kasama niyo bago sumikat ang araw ang pinakabagong papa na magbibigay ngiti sa inyong mga umaga: si Papa Marky.
 
Host si DJ Marky ng mga morning radio show na Hoy Pinoy at Wow Saya.
 
Hindi alam ng nakararami, hindi naging madali para maabot ni Marky and kanyang pangarap maging radio host.
 
READ: The Big Ten with Papa Marky

Graduate ang Kapuso DJ sa Lyceum of The Philippines University, Batangas ng kursong Mass Communication. Kuwento nito sa exclusive interview ng GMANetwork.com, naging working student siya noon at kinailangan niya makipagsapalaran na makakuha ng scholarship para makapagpatuloy lamang sa pag-aaral.
 
Sa katunayan, scholar si Papa Marky ng yumaong Department of Interior and Local Government Secretary Jessie Robredo.
 
Kuwento ni Papa Marky, “Hindi ko madaling nakuha ‘yung scholarship ko. Unang reason is I’m working in a radio, ang sabi ni Sec. Jessie Robredo may someone na deserving sa position mo na mas na ngangailangan compared sa’yo. So bakit bibigyan kita ng slot for scholarship?”
 
“Ang sagot ko sa kanya, sobrang hirap bago ka makakuha ng slot for the scholarship, dumaan ako dun sa process na yun and nalampasan ko yun. If you say ‘no,’ doon lang ako babagsak. It will be very hard for me na tanggapin, kasi lahat pinagdaanan ko.”
 
Dagdag pa ng Hoy Pinoy host, “Tsaka sabi ko kasi, pinapaaral ko ‘yung sarili ko. Wala akong inaasahan. It will be a big help if ever i-allow niya ako to be part of ‘yung scholarship na ibinibigay niya.”
 
Why choose a career as a DJ?
 
Nabuo ang pangarap ni Papa Marky na pasukin ang mundo ng pagiging isang DJ ng mapasama siya sa campus radio sa Lyceum. Iba daw ‘yung nakukuha niyang adrenaline rush by working as a DJ.
 
Aniya, “Okay ‘to, parang kunwari sikat. Something like that. Alam mo ‘yung thrill especially 'pag mga college student ka pa rin, you’ll be talk of the town. Hanggang sa nakita ko na lang ['yung] sarili ko [na] puwede ko pala ‘tong gawin career.”
 
Challenging daw para sa kanya ang maging DJ sa isang pang-umagang programa, pero matindi daw ang tiwala niya na handa niyang lagpasan ang mga pagsubok bilang pinakabagong DJ sa LSFM.
 
Dagdag pa nito, dream daw niya na maging daily habit ng mga Kapuso listeners tuwing madaling araw na makinig sa kanyang radio program at siyempre, ang maging number one.
 
“Alas tres pa lang gising na ang buong Mega Manila listening to my program and well why not maging number one sa ratings.”