Iza Calzado, binisita si Kuya Germs sa dzBB | GMANetwork.com - Radio - Articles

Iza Calzado, masayang masaya sa muli nilang pagkikita ni Kuya Germs

Iza Calzado, binisita si Kuya Germs sa dzBB

By JAMES "TOOTIE" ABAN





Sinorpresa ni Iza Calzado si Kuya Germs nang bumisita ito sa pragramang Walang Siesta ng Super Radyo dzBB.
 
Ito ang kauna-unahan niyang pagtapak muli sa bakuran ng Kapuso Network matapos lumipat ang actress sa kabilang istasyon noong 2011.
 
Bungad ni Iza, “Happy kami na makita ka, Kuya Germs. This is a special and monumental day, because I haven’t set foot in the grounds of channel  7 since 2011, so talagang dahil lang sa iyo ito, Kuya Germs.”
 
Dagdag pa ni Iza, “ Close pa din naman ako sa mga bosses ng GMA, so nag-text ako kay Ma’m Redgynn Alba (ETV Program Manager), sabi ko Ms. Redg, pupunta ako ng GMA”
 
Nakiusap naman si Kuya Germs na ‘wag bigyan ng kahulugan ang pagbisita ni Iza.
Na-miss lang daw kasi ng actress ang mga dati niyang naka-trabaho sa Kapuso Network.
 
Ayon kay Iza, “Sampung taon ako rito, hindi natin maitatanggi ‘yan na family talaga. 
 
19 years old noon si Iza nang pasukin niya ang pag-aartista sa GMA.