5 signs na ikaw ay nahuhumaling na sa AlDub | GMANetwork.com - Radio - Articles

Nirerespeto, iginagalang, pinangingilagan, 'yan ang kilala nating Imbestigador ng bayan na si Mike Enriquez. Tablan din kaya siya ng AlDub fever?

5 signs na ikaw ay nahuhumaling na sa AlDub

Nirerespeto, iginagalang, pinangingilagan, yan ang kilala nating Imbestigador ng bayan na si Mike Enriquez.

Tablan din kaya siya ng ALDUB fever?

From all walks of life ika nga ay wala na ngang pinipiling estado sa buhay ang AlDub fever.

Dahil maging ang matikas nating Sumbungan ng Bayan at 24 Oras anchor ay aminadong na-hook na rin sa AlDub.

Bawat eksena ng kalyeserye ay hindi raw niya… tinatantanan.

Narito ang limang senyales na masasabing ikaw ay nahuhumaling na sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

1. AlDub update

Bukambibig ang AlDub at laging nagtatanong ng bagong update sa dalawa, gaya ni Mike Enriquez na nagbibigay ng AlDub update sa kanyang programa na Saksi sa 
Dobol B.




2. Pabebe wave ala AlDub

Hindi na uso ang wacky… ang uso ngayon ay ang pagpapa-picture ng pabebe wave.



3. Pabebe wave ala Lola Nidora

Kung sawa na sa one calorie smile, pwedeng magpabebe wave na labas ang dila.



4. AlDub dictionary

Gumagamit ng “AlDub You”, imbes na “I love You” at” MaAlden Kita” imbes na “Mahal din kita.”



Nanunood sa YouTube kapag hindi nakanood ng kalyeserye.

Dahil sobrang busy, binabalikan na lang sa YouTube ang mga eksenang hindi 
napanood.



5. AlDub shirt



Si Arnold “Igan” Clavio naman, nagpagawa pa ng damit na may #ALDUBMaiDenHeaven na pumalo noon sa 3.5 million mentions sa Twitter.