Teleserye Theme Song Queen Maricris Garcia, anong plano ngayong Pasko? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Excited na magbakasyon si 'Marimar' star Maricris Garcia ngayong nalalapit na kapaskuhan.

Teleserye Theme Song Queen Maricris Garcia, anong plano ngayong Pasko?

By AEDRIANNE ACAR

Excited na magbakasyon ang Marimar star na si Maricris Garcia ngayong nalalapit na kapaskuhan.

‘Marimar’ actress Maricris Garcia drops by ‘Sikat Sa Barangay’

Maricris Garcia, naloka sa katawan ni 'StarStruck' hunk Enzo Pineda

Sa eksklusibong panayam ng GMA Network.com kay Maricris sa guesting nito sa ‘Sikat sa Barangay’ program ni Mama Belle, nagkuwento ang Kapuso singer ng kaniyang Christmas plans this year.

Saad ni Maricris, “Usually pag Christmas talaga nasa bahay lang. Yun lang pupunta sa bahay ng isang kapatid, talon-talon kung kani-kaninong bahay sa mga kapatid, family reunions hindi nawawala.”

Kinuha na din ni Maricris ang pagkakataon na magpasalamat sa lahat ng kaniyang mga fans na todo ang pag-suporta sa mga kanta niya sa The Big Ten countdown.

Wish for Four: Alden's romantic single continues to rule 'The Big Ten' countdown

“Maraming-maraming salamat sa pagsuporta at natutuwa ako na nagustuhan niyo ‘yong mga theme song na ginagawa ko for GMA shows,” ani ni Maricris.