WATCH: Balitang umaatikabo tuwing umaga sa Dobol B sa NewsTV | GMANetwork.com - Radio - Articles

Simula April 24, mula Lunes hanggang Biyernes 6AM-11AM, abangan sina Mike Enriquez, Joel Reyes Zobel, Arnold Clavio at Ali Sotto sa Dobol B sa GMA NewsTV.

WATCH: Balitang umaatikabo tuwing umaga sa Dobol B sa NewsTV

By AEDRIANNE ACAR

Mas lalo magiging maganda ang bungad ng umaga ninyo mga Kapuso, dahil ang mga paborito at respetado na mga broadkaster ng Pilipinas ay hindi niyo lang mapapakinggan sa radyo kundi mapapanood ninyo na rin sa telebisyon.

Simula April 24, mula Lunes hanggang Biyernes 6AM-11AM abangan sina Mike Enriquez, Joel Reyes Zobel, Arnold Clavio at Ali Sotto sa Dobol B sa GMA NewsTV.

Hindi papaawat ang Dobol B sa NewsTV sa pagbibigay ng mga sariwang balita at impormasyon sa mga Kapuso.

"Dun sa mga masugid na sumusubaybay sa amin sa radyo, heto na mapapanood ninyo na kami." ani Ali Sotto. 

"Magkita-kita po tayo sa GMA News TV at tuloy-tuloy na po ito," paanyaya ni Mike Enriquez.

Kaya mark your calendar at tumutok sa pasabog na handog ng RGMA na Dobol B sa GMA NewsTV!

More on DZBB:

LOOK: A great morning with our Kapusos at Barangay Bagong Ilog, Pasig City

WATCH: Mas maganda ang umaga n'yo dahil ang Dobol B nasa GMA News TV na!