Teejay Marquez, mula dubsmash ngayon ay recording artist na rin!
July 28 2017
Masayang ibinalita ng dating Tween Hearts artist at dating Walang Tulagan host na si Teejay Marquez na mayroon na itong single na under Universal Records, ang 'Di Magbabago.' Ang naturang awitin ay isinulat ni Eat Bulaga Foreignoy Bobby Skyz.
Nang mag-guest si Teejay sa programang Walang Siesta ng dzBB ay ikinuwento niya ang hugot sa naturang awitin. “Parang sinasabi mo lang sa mahal mo na… 'no matter what, sobrang mahal na mahal kita. I won’t change.'”
Bago ni-record ni Teejay ang kanyang single ay nanatili ang binata ng halos isang taon sa Indonesia kung saan binansagan siyang Dubsmash King. Nagkaroon din siya ng pelikula duon kung saan siya ang bida. Bukod dito, halos linggo linggo din siyang napapanood sa iba't ibang programa sa Indonesian TV.
At bilang regalo ni Teejay sa kanyang mga fans sa Indonesia, isasalin niya ang 'Di Magbabago' sa Bahasa. “Ire-record ko rin siya sa Bahasa para sa mga fans ko sa Indonesia na talaga namang ni-request din nila, super thankful ako dahil kahit andito ako sa Pilipinas ay sinusuportahan pa rin nila ako."
Samantala, nag-trending sa social media ang mga larawan ng binata kasama si Baninay Bautista na isang contestant sa isang reality show. Dahil super sweet daw ang dalawa sa mga videos at larawan ay binigyan ito ng kahulugan ng mga netizens.
Nang inusisa ng Divadingdings na sina Tootie, Mega Ohlala at Janna Chuchu ang totoong estado ng relasyon ng dalawa, makahulugan ang naging tugon ni Teejay. “Si Baninay, special friend ko. Good friend ko ‘yan."
Dagdag pa niya…"Nagkita kami sa isang event at gumagawa siya ng Vlog (video vlog) at isinali niya ako sa kanyang vlog at ayun, doon na nagsimula ang aming friendship. Siya rin ang nag-encourage sa akin na gumawa ng vlog at super thankful ako at nagulat na may followers kami ni Baninay at magge-guest din ako sa concert niya.”
Ang 'Di Magbabago' ni Teejay Marquez ay available na sa digital format sa pamamagitan ng pag-download sa ITunes, Spotify, Amazon, at Deezer.
Teejay Marquez, makakachika at makikijamming sa programang Walang Siesta!
Posted by Super Radyo DZBB 594khz on Tuesday, July 18, 2017
PART 2: Teejay Marquez, nagpasample ng kanyang single na #DiMagbabago under Universal Records Philippines.
Posted by Super Radyo DZBB 594khz on Tuesday, July 18, 2017

Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus