Bukingan time kasama sina Nar Cabico, Analyn Barro at Moi Bien ng 'My Love From The Star'
July 31 2017
Napuno ng halakhakan at harutan ang programang Walang Siesta ng Super Radyo DZBB nang bumisita ang mga BFF ni Steffi Chavez (Jennylyn Mercado) ng My Love From the Star na sina Nar (Jun), Analyn (Mina) at Moi (Kathy).
Bawat isa sa kanila ay nakipagbukingan.
Q. Ano ang hindi niyo makakalimutang makakalimutang eksena sa My Love From the Star?
Nar: Yung scene na binato si Steffi (Jen) kasama kami sa eksena, yung batuhan sa funeral na lahat ng fans ni Rachel (Rhian Ramos) talagang binabato rin kami ng spaghetti, softdrinks at ako nabato ako ng soda can.
Ang goal kasi ng eksena ay to protect Steffi kaya physically and emotionally prepared kami.
Analyn: Same kami ni Nar sa batuhan scene.
Nar: Grabe 'yun kasi one take lang yun dahil madudumihan ka kaya di pwede ng take two.
Analyn: Nasugatan nga ako sa eksena na 'yun tapos si ate Jen nadapa pero tuloy ang eksena.
Q. Sino sa inyo ang laging pinapagalitan ni Direk Joyce Bernal?
Moi: Ako, hindi kasi ako magaling umarte, pero tinuturuan niya ako tapos close (friend) din kasi kami so kapag ‘di ko nagagawa ang eksena ay minumura niya ako pero yung murang lambing kaya hindi naman nakaka-offend kasi tutok talaga si Direk sa mga eksena at actors.
Analyn: Sabi ni Direk, dapat daw magpakatino ako, si direk kasi nagsasabi ng gusto niyang mangyari sa scene kaya 'yung gagawin mo ay gagawin mo 'yung part na gustong gawin ni Direk.
Nar: Noong December, siyempre Pasko maraming pagkain kaya tumaba ako, tapos sabi ni Direk ‘good take… pero mag-large ka ang taba mo’… ang point niya kung artist ka dapat maganda ang bagsak ng damit mo at health mo kaya after noon takbo at yoga ako.
Q: Sino sa inyo ang laging kumakain lang sa set?
Moi and Nar: Si Analyn
Analyn: I always eat a lot
Q: Sino sa inyo ang laging tulog sa set?
Moi and Nar: Si Analyn
Nar: Di ba may IG story si ate Jen, natutulog ka sa bed niya hala orlog si ate
Analyn: Tengga moment kasi
Q: May bumibisita ba sa set na hindi kasama sa cast ng MLFTS?
ALL: Wala
Q: Sino ang laging nadadala sa mga eksena?
Analyn and Moi: Si Nar
Analyn: He is a serious actor and he really loves his craft.
Nar: I think I agree
Q: Sino sa inyo ang laging may pa-fiesta sa set?
ALL: Si Christian Bautista laging may dalang malalaking chocolate.
Q. Ano ang aabangan sa kanilang role sa susunod na episode ng MLFTS?
Nar: Wala na, tanggal na ako wala na kami kay Team Steffi na kay Team Lucy kami ( Jackie Rice) siguro babalik kami kay Steffi pero 'di pa sure basta abangan.
Moi: Marami pang pasabog si Steffi, mabuhay pa siya siguro, si Matteo (Gil Cuerva) baka bumalik sa Earth.
Analyn: Andami pang shifting ng Mina, Jun at Kathy.
Bukod sa tsikahan ay nagpasample din ang tatlo ng awitin.
Tsikahan tayo mga Kapuso kasama ang cast ng My Love From The Star.
Posted by Super Radyo DZBB 594khz on Thursday, July 20, 2017

Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus