Gil Cuerva at Christian Bautista, ikinuwento ang gusto nilang ending para sa 'My Love From The Star' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Kahit puyat galing sa taping ay dumiretso sina Christian Bautista at Gil Cuerva sa entertainment showbiz program ng DZBB na Walang Siesta.

Gil Cuerva at Christian Bautista, ikinuwento ang gusto nilang ending para sa 'My Love From The Star'

Kahit puyat galing sa taping ay dumiretso sina Christian Bautista at Gil Cuerva sa entertainment showbiz program ng DZBB na Walang Siesta.

 

 

Nakipagkulitan, nagkantahan at nakipagbukingan ang dalawa kasama ang mga host ng programa na sina Tootie, Mega Ohlala at Janna Chuchu.

Kwento ni Christian, inumaga na sila sa set pero naging masaya naman daw ang huli nilang taping.

“Kanina itinodo na namin hanggang 6:00AM, bittersweet dahil tapos na nga pero sobrang appreciative tayo lalo na sa mga fans dahil ‘yung opportunity na ibinigay sa amin,” saad ni Christian.

Sobrang thankful naman ni Gil sa oportunidad na ibinigay sa kanya sa Kapuso network.

Bagamat baguhan pa lang sa showbiz ay unti-unti naman daw niyang na-adapt ang sistema lalong-lalo na ang kanyang mga taping schedules.

“Sobrang naenjoy ko ang pagiging Kapuso at sobrang nagpapasalamat ako sa ibinigay ng GMA kasi last year ‘di ako artista, model ako at 8 months pa lang ako bilang artista.

“Noong bata ako parang gusto ko mag-artista pero ‘di ko inakala na makakapasok ako sa showbiz dahil maraming gwapo at magaganda. Marami ang nagbago sa ngayon, lifestyle change din siya at nasasanay na rin ako sa mga taping sa 6:00am call time at 6:00am din matatapos.

“It’s a different industry at different craft, kasi dati sa modelling I took pride sa pagiging model ko na kapag maganda ang lumalabas na photos at sa ramp shows at ngayon actor na ako. So bumalik ang pagiging estudyante ko,” kuwento ni Gil.

SaktoSakto lang naman ang ginawang adjustment ni Christian para sa kanyang role na Winston dahil nakakarelate raw siya sa ginagampanan niyang role.

“Ang adjustment ko sa MLFTS ay sakto lang kasi si Winston ay marami kaming similarity at gusto ko ‘yung karakter ni Winston na aping-api na at kawawang-kawawa pero mamahalin mo pa rin siya dahil iba ‘yung pinapakita niyang pagmamahal kay Steffi."

Vocal naman si Gil sa paghanga niya kay Jennylyn, it’s a dream come true nga raw na makatrabaho niya ang actress.

“Before the show ay nakilala ko si Jen na magaling na actress, napanood ko ‘yung movie nila noon ni John Lloyd (Cruz) from that point sabi ko I want to work with her someday  at grabe lang dahil first project ko as actor ay siya ang nakatambal ko” ani Gil.

Working with Direk Joyce Bernal

Sobrang gaan nga raw na katrabaho si Direk Joyce ayon kina Christian at Gil.

"Nakakatawa si direk dahil laging nagpapatawa sa set, sumasayaw pero kapag trabaho ay trabaho talaga para kaming nagwoworkshop sa set parati,” ayon kay Christian.

Dagdag pa niya "ang hindi ko makakalimutan sa kanya ay nang kinausap niya ako sa first day ng taping at sabi niya… ‘ang acting na gagawin mo dito ay lahat ng lines mo ay iisa ang goal mo, ang goal mo ay makuha si Steffi” at nadala ako roon dahil nabigyan ako ng simpleng direksyon at klarong-klaro ‘yung karakter ko.”

Aminado naman si Gil na ilang beses na siyang pinagalitan ni Direk Joyce, pero para sa kanya sobra siyang natuto simula nang makatrabaho niya ang award-winning director.

“Ilang beses na akong pinagalitan ni direk, suking-suki na ako diyan, quotang -quota na, pero si direk kasi, she’s more than a director to me. Iba si direk sa akin off-set, pagdating sa set trabaho lang talaga.”

“Suking-suki talaga ako sa pagsisigaw ni direk na ‘Hoy Gil umayos ka” pero gets ko naman kung bakit siya nagagalit at mas nirerespeto ko ‘yung ganun na pagdating sa trabaho seryoso tayo let’s do our job.”

Na-appreciate daw ni Gil ang mga advices na ibinibigay sa kanya ni Direk Joyce, “I remember clearly, she took time to sit down at nag-usap kami one-on-one. Sobrang kabado ako noong nag-umpisa kami ng taping kasi wala akong experience, sabi niya  “just relax, just be your self, ok lang magkamali, na-appreciate ko ‘yung effort ni direk Joyce to sit down and talk to me and give some inspiring message.”

Sexy scenes

Hindi naman daw naiinggit si Christian sa role ni Gil.

Kung matatandaan ay trending ang mga kissing scene nina Gil at Jen, maging ang pagpapakita ng abs ni Gil ay pinag-usapan din. Pero kung si Christian ang tatanungin, palaban din ito sa hubaran kung kailangan sa eksena.

“Basta artful, game ako diyan”  pag-amin ni Christian.

Hindi naman bago para kay Gil ang pagpapakita ng katawan, dahil nang modelo pa ito ay nagagawa na niya ito sa kanyang mga modelling shows at pictorial.

Pero sa TV at pelikula, mayroon daw limitation… “I guess kaya ako pumayag sa scene ng MLFTS (na shower scene) dahil nagawa ko na rin yun noong nagmomodel pa ako kaya parang normal na lang, pero hindi ako basta-basta maghuhubad na walang purpose dapat it fits sa story hindi ‘yung pinilit.”

Kung ang dalawa ang tatanungin, may mga gusto silang ending ng MLFTS.

Para kay Christian, gusto niyang magkatuluyan sina Winston at Steffi, samantalang gusto naman ni Matteo na i-teleport si Steffi sa kanyang planeta at doon sila magpakasal.

Hindi rin pinalagpas ng dalawa ang kanilang mga bashers, pero paano ba nila tinatanggap ang negative comments?

Si Christian, ibinuking na ilan sa kanyang mga bashers ay galit dahil sa papel niyang si Winston.

“Sinasabi nila, bakit mo sinasaktan si Matteo, dahil nadadala na sila sa istorya sa show talagang pinagtatapat kami, pero okay ‘yun dahil ibig sabihin ay nadadala sila at effective ang ginagawa namin.

“Si Winston at Matteo ibang klase yung karibal…magkaribal sila pero nirerespeto nila ang isat-isa at ‘yung pagmamahal ni Steffi.”

“Kapag masyadong personal na ang tira may level kung kaya pa deadma na lang pero kung malalim ang pagtira sa akin fight! Kung gusto mo lang sabihin ang side mo sa mga bashers gagawin mo, pero ang iba kasi kahit anong sabihin mo may sasabihin yan good or bad kaya kapag tinira ka pa rin ng tinira hanggang dulo, magdemandahan na tayo.”

Aminado rin si Gil na marami ang nagtaas sa kanya ng kilay nang siya ang maipili bilang Pinoy Matteo.

“Noong lumabas ang news na ako ang napiling Matteo Do marami ang nadissappoint kasi iba ang gusto nila for the role kaya for me yung mga bashers or haters external noise ‘yun kaya ang focus ko lang ay ‘yung quality ng work ko, yung reputation ko sa industry,  dahil ang fans and basher ay natural lang yun kahit sinong artista.”

Sa pamamagitan ng Havey at Waley ay sinagot naman nina Christian at Gil ang ilang tanong mula sa tagapakinig ng Walang Siesta.

Nabasted na ba kayo?

Christian: Havey

Gil: Waley

May pag-asa ba ang babaeng unang nagpapakita ng motibo sa inyo?

Christian: Havey

Gil: Havey

Mahalaga pa ba sa inyo ang virginity?

Christian: Havey

Gil: Waley

May nagsabi na ba sa inyo na kayo ay di kagwapuhan?

Christian: Waley

Gil: Havey

Kayo ba ay nakatanggap na ng indecent proposal?

Christian: Waley

Gil: Waley

Kaya mo bang iwan ang modelling career para kay Gil at ang pag-awit para kay Christian?

Christian: Waley

Gil: Havey

Willing ba kayo magpakita ng private parts sa mga future project ninyo?

Christian: Havey at Waley

Gil: Havey at Waley

Sa tingin niyo ba nagagampanan niyo ang trabaho bilang Matteo at Winston?

Christian: Havey

Gil: Havey

Does TV ratings matter sa inyo?

Christian: Waley

Gil: Waley