WATCH: Rainy Afternoon jamming with 5th Gen | GMANetwork.com - Radio - Articles

Panoorin ang panghaharan ng mga dating pambato ng Pilipinas sa World Championship of Performing Arts na mas kilala ngayong bilang ang grupong 5th Gen.

WATCH: Rainy Afternoon jamming with 5th Gen

 

 

Hinarana ng mga dating pambato ng Pilipinas sa World Championship of Performing Arts o WCOPA ang mga Kapuso listeners ng Super Radyo dzBB.

Sa kanilang radio guesting ay pinatunayan ng mga miyembro ng 5th Gen na sina Reymond Sajor, Marielle Mamaclay, Lady Onnagan at Rj Buenagua na world class ang talentong Pinoy.

Bawat isa sa kanila ay nag-uwi ng medalya at iwinagayway ang bandila ng Pilipinas.

Si Reymond ay itinanghal na Grand Champion Vocalist of the World noong 2007 at si Marielle naman ang Grand Champion Performer at Vocalist of the World noong 2010.

Samantala si Lady ay multi-gold medalist noong 2013 na sinundan naman ni RJ noong 2014.

Matapos silang mag-uwi ng medalya ay nabuo ang kanilang grupo na 5th Gen kasama si Ralph Salazar noong 2014 at kalaunan ay recording artist na rin.

Para patunayan ang kanilang world class na pag-awit ay game na naglaro ang mga ito sa inihandang pakulo ng mga hosts ng programang Walang Siesta na sina Tootie, Mega Ohlala at Janna Chuchu.

Live din na inawit ng 5th Gen ang kanilang single na 'Panahon' na maaari nang i-download sa Spotify, iTunes, Deezer at Amazon.com.

Panoorin ang kanilang performance sa programang Walang Siesta.

Sa maulan na panahon, masarap pakinggan ang Panahon ng 5th Gen

Posted by Walang Siesta on Sunday, July 30, 2017