WATCH: Juancho Trivino inamin kung anong priority ngayon | GMANetwork.com - Radio - Articles

Bida ang guwapong Kapuso hunk na si Juancho Trivino this Wednesday morning sa paboritong morning radio program ng bayan na 'Sikat sa Barangay.'

WATCH: Juancho Trivino inamin kung anong priority ngayon

By AEDRIANNE ACAR

Bida ang guwapong Kapuso talent na si Juancho Trivino this Wednesday morning sa paboritong morning radio program ng bayan na Sikat sa Barangay.

Sa one-on-one chikahan niya with Mama Belle, nagkuwento ang binata kung paano niya hinahandle ang busy schedule niya. Buko


d sa malapit na siyang bumida sa primetime series na Inday Will Always Love You, napapanood din si Juancho sa Unang Hirit at Bubble Gang.

Ani Juancho, “Yung priority kasi right now ‘yung teleserye which is Inday Will Always Love You. Kapag wala kaming taping dun ako nakakapag Unang Hirit ako, nakakapag Bubble Gang ako. So, minsan nag-aabsent ako dito and dito muna ako [sa isang show].”

Sobra rin siyang proud sa teleserye na pagbibidahan nila ni Derrick Monasterio at Barbie Forteza, dahil ipapamalas nila ang magagandang tanawin sa probinsya ng Cebu.

Idagdag pa dito na napakagandang kuwento ng Inday Will Always Love You.

“Marami kayong aabangan… Ang pinakaproud talaga ako dito is the chemistry of our Inday Will Always Love You family. Maliit lang kami pero masaya kami kasi magkakasama ‘yung cast eh. Maliban dun the script is written by GMA News and Public Affairs, very well-written.”