WATCH: Ano ang aabangan kina Derrick Monasterio at Kimpoy Feliciano sa 'Inday Will Always Love You?' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Masaya ang naging chikahan ni Mama Belle kasama ang dalawang guwapong bida ng pinakabagong Kapuso primetime series na 'Inday Will Always Love You.'

WATCH: Ano ang aabangan kina Derrick Monasterio at Kimpoy Feliciano sa 'Inday Will Always Love You?'

By AEDRIANNE ACAR

 

Masaya ang naging chikahan ni Mama Belle kasama ang dalawang guwapong bida ng pinakabagong Kapuso primetime series na Inday Will Always Love You (IWALY) na mapapanood tonight, May 21 sa GMA Telebabad.

Napakinggan sa Sikat sa Barangay this Monday morning, sina Derrick Monasterio at Kimpoy Feliciano kung saan nagkuwento sila sa mga karakter nila sa romcom series.

Dapat tutukan ang role ni Derrick sa IWALY na gaganap bilang si Patrick, ang hottie na tagapagmana ng isa sa mga pinakamayan na negosyante sa probinsya ng Cebu.

Kuwento ng Kapuso actor, “Pamangkin ako ng isa sa pinakamayaman negosyante ng Cebu. Ako rito ay Cebuano, so medyo nagbi-Bisaya ako ng konti. Tapos ako ang tagapag-mana ng negosyo ni Uncle Philip, which is Direk Ricky Davao. Sa una parang away-bati kami ni Happylou, which is Barbie [Forteza] pero towards the end siyempre magkakaroon na kami mga kilig moments.”

Excited naman ang social media star-turned-actor na si Kimpoy Feliciano na makaka-arte uli siya sa isang soap bilang best friend ni Derrick sa serye.

“Ako naman po dito si Frank ang bestfriend ng masungit na si Patrick. Kasi ano siya dito suplado siya dito, pero ako ‘yung parang magsasabi sa kaniya na in love na siya kay Happylou.”

Tutukan ang pilot episode tonight ng Inday Will Always Love You pagkatapos ng maiinit na eksena sa Kambal, Karibal!