READ: Paano naging close sa mga celebrities si Mama Belle? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Maliban sa pagiging Squad Leader, close rin si Mama Belle sa maraming celebrities dahil sa kaniyang show na Sikat sa Barangay. Paano kaya siya naging malapit sa mga artistang ito?

READ: Paano naging close sa mga celebrities si Mama Belle?

By BIANCA GELI

 

 

Hindi na iba ang turing ng Barangay LS 97.1 DJ na si Mama Belle sa kaniyang co-disk jockeys, kaya siya binansagan na Squad Leader ng grupo. Pero maliban sa pagiging Squad Leader na nagbibigay ng patnubay sa mga DJs, close rin siya sa maraming celebrities dahil sa kaniyang show na Sikat sa Barangay. Paano kaya siya naging malapit sa mga artistang ito?

Kuwento ni Mama Belle, “Sa program ko na Sikat sa Barangay kung saan nag-iinterview ako ng mga artists, kailangan confident at authoritative ka since ikaw ang nasa programa, pero not in the sense na pangingibabawan mo sila.

Paano niya naaalis ang kaba o awkwardness kapag may ini-interview na artista?

“Siguro dahil nakakausap ko na sila beforehand, napapa-host din sa mga mall shows. Meron na rin naman awkward sa umpisa, especially kapag hindi ko pa nakilala.”

May paraan din daw siya para maging kumportable ang kaniyang mga celebrities na nakakapanayam. “Nagki-create ako ng something na mapag-uusapan na magaan lang. Sa umpisa hindi kami nag-uusap, pagkatapos ng program nagtatawanan na kami.”

Aminado rin si Mama Belle, na kapag kaharap na ang mga paborito niyang celebrities ay ‘di rin niya maiwasan ang ma-starstruck. Ang isang paborito niyang interview ay sa boy band member na si Shane Filan.

“Yung kay Shane [Filan] kasi favorite ko siya ‘eh. Siya talaga ‘yung gustong?-gusto ko. Na-starstruck ako. Hindi naman sa hindi ako na-starstruck sa iba, ‘yung sa kaniya kasi,  siyempre galing sa ibang bansa at siya ‘yung pinakapaborito ko sa Westlife.”

Dagdag pa ni Mama Belle, “Dito rin sa mga local artists natin marami [akong paborito]. ‘Di na lang ako makapili sa dami.”

Mapapakinggan na ang Sikat sa Barangay kasama si Mama Belle, at ang iba pang programa ng Barangay LS sa livestreaming nito sa www.gmanetwork.com/radio.