EXCLUSIVE: Paano naging 'bida' si Papa Carlo? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mula sa mga nakakahawang tawa at bidang pagbanat, hindi magpapahuli sa pagpapasaya si Papa Carlo.

EXCLUSIVE: Paano naging "bida" si Papa Carlo?

By BIANCA GELI

 

 

Hindi maikakaila ang pagiging “Bida ng Barangay” ng Barangay LS 97.1 DJ na si Papa Carlo. Mula sa mga nakakahawang tawa at bidang pagbanat, hindi magpapahuli sa pagpapasaya si Papa Carlo.

Pero paano nga ba siya nagsimula sa pagiging “bidang DJ?”

Kuwento niya, “I’m from Davao kasi, naging DJ ako sa Davao tapos Cebu, and then dito sa Manila.”

Dahil dito natuto siya ng iba’t ibang  dialekto at mga kaugalian ng mga taga ibang probinsya.Lahat ng ito, maipagmamalaki niya. 

“Actually, hindi pa talaga nagsi-sink in sa akin. Marami pang kakainin na bigas. Pero proud ako bilang probinsyano na nakaabot ako rito. Ang iniisip ko na lang ay 'yung gawin ang tama na makakapagpasaya ng tao.”

Mula sa pagiging isang bidang DJ, hinihikayat din ni Papa Carlo ang kaniyang mga callers na maging “bida” sa kanilang sariling paraan, tulad ng pagbibida ng kanilang mga pinanggalingang lugar.

“Kapag may mga caller ako, tinatanong ko kasi sila, ‘Ano bang maipagmamayabang mo’? Ano ba ang ibibida mo sa akin diyan?”

Para marinig ang iba pang pabida ni Papa Carlo, huwag kalimutang pakinggan ang “Bida sa Barangay” sa Barangay LS FM tuwing Lunes hanggang Biyernes 7:00pm hanggang 9:00pm.

Maari ring mapakinggan ang mga programa ni Papa Carlo at ang iba pang programa ng Barangay LS sa livestreaming nito sa www.gmanetwork.com/radio.