EXCLUSIVE: Ate Liza, paano naging Ms. Trendy? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Kilala si Ate Liza ng Barangay LS FM bilang ang kikay at laging updated sa trends ng music at fashion, isang ugali na natural na daw sa kanya kaya nabansagan siyang ‘Ms. Trendy’.  

EXCLUSIVE: Ate Liza, paano naging Ms. Trendy?

By BIANCA GELI

 

 

Kilala si Ate Liza ng Barangay LS FM bilang ang kikay at laging updated sa trends ng music at fashion, isang ugali na natural na daw sa kanya kaya nabansagan siyang ‘Ms. Trendy’.  

 

Paano niya naman naibabahagi ang pagiging Ms. Trendy sa kaniyang mga listeners? Ayon kay Ate Liza, “Kung kunwari may alam akong bagong magku-concert, siyempre isi-share mo agad.May mga ibang tao kasi na hindi updated, so at least nai-share ko, with music din kasi ang daming ganap, mapa-local or foreign.”

Dagdag niya, “Ako, dami ko ring friends sa Facebook na sobrang updated sa trends, so doon na ako nakakakuha ng news about music or fashion at sa mga latest hashtags.”

Maliban sa pagiging isang DJ, naririnig din sa ibang Koreanovela at Tsinovela si Ate Liza bilang voice talent kung saan nagagawa niyang mag-iba ng karakter. Kuwento niya, ‘Yung Crimson Girl, ako ‘yung kontrabida. Minsan kasi ‘yung kontrabida mas masaya siyang i-portray. Napaglalaruan mo siya.”

Bukod sa pagiging Ate na trending sa kanyang listeners, isa ring ganap na nakatatandang kapatid si Ate Liza sa mga kapwa Barangay LS FM DJs lalo na sa mga mas bago sa kaniya sa istasyon.

Aniya, “Well kasi kapag nagtanong sila ng questions, like si Ding nag training kasama ako, lahat ng tanong niya to the best of my abilities, sinasagot ko. Siyempre kapag ikaw na lang ang nakaupo ‘dun iba na rin ‘eh. Although radio DJ na siya noon kapag nasa bago kang environment nakakakaba talaga.”

Mapapakinggan si Ate Liza at ang iba pang Barangay LS DJs hindi lang sa radyo kung 'di pati na rin sa live audio stream sawww.gmanetwork.com/radio.