EXCLUSIVE: Chiko Tito, totoo bang na-threaten sa pagdating ni Janna Chuchu? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa "The Chika Master" na si Chiko Tito, nagkuwento siya tungkol sa naramdaman niya nang malamang makakasama niya si Janna Chuchu.

EXCLUSIVE: Chiko Tito, totoo bang na-threaten sa pagdating ni Janna Chuchu?

By AEDRIANNE ACAR

May bagong tandem kayo na aabangan mga Kabarangay tuwing Sabado ng umaga, dahil bubuhos ang unli-tawanan at unli-chikahan sa Balita sa Barangay, hosted by Chiko Tito at Janna Chuchu.

EXCLUSIVE: Chiko Tito, iniwan ang corporate job para maging full-time DJ sa Barangay LS

Pero totoo ba ang tsismis na na-threaten si Chiko Tito sa pagdating ni Janna?

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa "The Chika Master" na si Chiko Tito, nagkuwento siya tungkol sa naramdaman niya nang malamang makakasama niya si Janna Chuchu.

Paliwanag ni Chiko Tito,  "Noong una kasi, dahil siya ay legit na showbiz insider, mas in depth at first hand information ang meron sya. Nathreaten ako nung una [laughs]. Pero noong kalaunan, sabi ko ay ang ganda pala! Nagji-jive kami, nagco-complement din kami sa isa't-isa, tapos parang pinagsama mo 'yung dalawang puwersa. Ganun 'yung dating, so ang saya-saya, ang ingay-ingay."

Aniya, "Si Janna [Chuchu] Hi, Hello lang kami noon. Tapos noong na-introduce na kami sa isa't-isa, mas una ko po siya na naging ka-close kesa kay Jepoy."

Ano-ano naman kaya ang mai-expect ng mga Kapuso listeners sa Balita sa Barangay?

Wika niya, "ang saya lang talaga kasi we talk about current events na may kinalaman sa mga tao, sa masa, sa lipunan at mayroon din kaming showbiz news. Nandiyan 'yung blind item na talagang mga revelations, kung revelation!"

Maging updated sa current events at juicy showbiz stories sa  Balita sa Barangay every Saturday from 6:00am to 9:00am with Chiko Tito and Janna Chu Chu.

Tuloy-tuloy ang saya na hatid ng Barangay LS disk jocks online via live audio stream sa www.gmanetwork.com/radio.