EXCLUSIVE: Papa Jepoy, nagamit ang pagiging basketball player sa radyo | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com sa dating NCAA collegiate cager mula San Sebastian, suki raw siya noon sa pag-a-audition sa mga commercials at kasama pa niya dati ang kaibigan na si Kapuso hottie JC Tiuseco. Read on!

EXCLUSIVE: Papa Jepoy, nagamit ang pagiging basketball player sa radyo

By AEDRIANNE ACAR

Minsan din pinangarap ng The MVP ng Barangay LS na si Papa Jepoy na pasukin ang mundo ng pagiging artista.

EXCLUSIVE: Papa Jepoy, bilib sa teamwork ng 'Popot & Friends'

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com sa dating NCAA collegiate cager mula San Sebastian, suki raw siya noon sa pag-a-audition sa mga commercials at kasama pa niya dati ang kaibigan na si Kapuso hottie JC Tiuseco.

Aniya, "Alam mo dati nagta-try ako pero parang hindi sa akin talaga. May ganun eh, napag para sa'yo, para sa'yo eh. Alam mo dati, nag-a-audition pa ako para sa mga commercials, ang tiyaga ko diyan. Kasama ko si JC Tiuseco sa Makati. 'Yun ang dami doon na VTR, 'yun nilalagare namin dati yun."

Pero parang hindi daw talaga para sa kaniya ang maging artista, kaya mas pinili niyang pagbutihan ang career bilang isang radio DJ.

Wika ni Papa Jepoy, "Sa inyo na lang 'yung TV, sa akin na lang radyo ganun na lang iniisip ko lagi. Dito ko na lang gagalingan. And yun nga din naisip ko mahirap pagsabayin."

Isa rin marahil na dahilan kung bakit kinabit kay Papa Jepoy ang titulo ng The MVP ay ang determinasyon niya na galingan ang trabaho araw-araw.

Naniniwala ang Barangay LS radio host na there is always room for improvement at kailangan mong i-develop ang sarili mo.

Paliwanag ni The MVP,  "Parang dito sa radio, walang mahirap, lahat pinagtatrabahuhan. Walang umupo diyan na magaling na, araw-araw nade-develop kami, at  araw-araw pagtrabahuhan mo. Parang basketball din every game, work hard ganun."