EXCLUSIVE: Papa Ding, gusto maka-showdown sa dance floor si Alden Richards
July 20 2018
Dahil game sa hatawan palagi si Papa Ding o ang tinaguriang "Bibo ng Dance Floor," tinanong namin siya king sino ba ang gusto niyang maka-showdown sa pagsasayaw.
Ilan sa mga dream niyang makasaman sa dance floor ay sina Alden Richards, Gary V at Bruno Mars.
EXCLUSIVE: Bibo ng Dance floor na si Papa Ding, minsan naging 'StarStruck' hopeful
Malaki raw karangalan sa kaniya na makasama sa isang stage ang tulad ng Pambansang Bae.
"Gusto ko makasamang sumayaw 'yung kakambal ko si Alden Richards [laughs]. Siyempre Alden Richards 'yun eh, parang it's an honor kung sakali makasama mo siyang sumayaw sa dance floor."
Humataw tuwing umaga kasama si Papa Ding every Monday to Friday sa Hoy! Pinoy from 3:00am to 5:00am at Wow Sayaw from 5:00am to 6:00am. Makisaya online kasama ang mga iniidolo ninyong Barangay LS disk jocks via live audio stream sa www.gmanetwork.com/radio.
Comments
comments powered by Disqus