Papa Carlo, bakit ayaw mag-green jokes on-air? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Kahit nauuso sa radio, hindi raw ganun ang istilo ni Papa Carlo.

Papa Carlo, bakit ayaw mag-green jokes on-air?

By BIANCA GELI

 

 

Kahit palabiro at marunong makiuso sa millennials, wholesome pa rin ang mga banat ng Barangay LS FM DJ na si Papa Carlo.

Kahit nauuso sa radio, hindi raw ganun ang istilo ni Papa Carlo.

Aniya, “Mangbabastos ka, may na-offend ka pa. Mas maganda na yung hindi green jokes or nangbabastos.”

Dagdag niya, “At siyempre kasi may mga bata. Ayoko rin ng mga ganoong jokes.”

Para kay Papa Carlo, naging challenge rin ang pag-adjust ng kaniyang istilo bilang DJ.

“I’m from Davao kasi, naging DJ ako from Davao tapos Cebu, and then dito sa Manila.”

Paliwanag niya, “Nung lumipat kasi ako ng Cebu, napansin ko mas okay sa kanila na straight Cebuano. Ngayon nung lumipat ako rito, nahirapan din ako, kasi nasanay na ako sa culture ng Cebuano.”

Kinailangan daw ni Papa Carlo na ibahin muli ang mga nakasanayan niyang banat at makibagay sa kaniyang panibagong listeners. 

Dahil din daw sa kaniyang pagiging Davaoeño at paninirahan sa Cebu, mas madali raw niyang nakasundo ang ilan sa kaniyang mga co-DJs,

"Si Papa Bol, nung dumating parang medyo magaan na agad loob ko sa kaniya kasi nag-bibisaya. Close ko rin si Janna Chuchu,” paliwanag ni Papa Carlo.

“Nakakausap ko si Papa Ding, nag-aadvice rin ako. Sabi ko, ‘galingan mo dahil maraming naghahangad diyan sa programa mo," dagdag pa niya.

Kahit may pressure, sinisugurado raw ni Papa Carlo na maayos ang kaniyang content at wholesome pa rin ang mga biro at pabida niya.

“Gusto naming DJs at ng management na nasa taas tayo. So every day pressure pa rin pero ini-enjoy namin.”

Para marinig ang iba pang pabida ni Papa Carlo, huwag kalimutang pakinggan ang “Bida sa Barangay” sa Barangay LS FM tuwing Lunes hanggang Biyernes 7:00pm hanggang 9:00pm.

Maari ring mapakinggan ang mga programa ni Papa Carlo at ang iba pang programa ng Barangay LS sa livestreaming nito sa www.gmanetwork.com/radio.