Papa Obet at Papa Marky, may sapawan? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Parehong mahusay sa pagbibigay ng payo ang Talk To Papa DJs na sina Papa Obet at Papa Marky. Dahil sa may sarili silang istilo ng pag-payo, nagkakaron kaya ng sapawan dahil sa magka-iba nilang opinyon?

Papa Obet at Papa Marky, may sapawan?

By BIANCA GELI

 

 

Parehas na mahusay sa pagbibigay ng payo ang Talk To Papa DJs na sina Papa Obet at Papa Marky. Dahil sa may sarili silang istilo ng pag-payo, nagkakaron kaya ng  sapawan dahil sa magka-iba nilang opinyon? Paano kaya nakakaiwas sa mga ganitong sitwasyon ang dalawa?

Kuwento ni Papa Marky, “Wala namang sapawan kasi marunong kaming mag-bigayan ‘eh. Kung alam ko na magsasalita siya ng mahaba, hindi muna ako magsasalita. Ganun din naman siya sa akin. Give and take kami.”

Dagdag naman ni Papa Obet, “Actually, nagkakatindihan kaming dalawa kasi pareho kami ng gusto, pareho kaming mahilig kumain, pareho kaming magbasa, at [mahilig sa] social media.”

Nagkakasundo rin daw ang dalawa sa pagpili ng kanta na babagay sa sitwasyon ng kanilang mga callers. Kuwento ni Papa Obet, "Di ba sa buhay kailangan natin ng music?  Kasi ang pangit kung wala tayong music. Sobrang laking part ng nagagawa ng music sa buhay natin.”

Dagdag niya, ‘Yung program namin tinatawag ko na time machine ‘eh. ‘Yung songs na ipini-play ko, ibinabalik ka sa nakaraan. Binibigyan ko siya ng tamang song. Nag-aadvice si Papa Marky, nag-aadvice rin ako.”

Pakinggan sina Papa Marky at Papa Obet sa Talk to Papa tuwing Monday hanggang Saturday mula 12:00nn hanggang 3:00pm sa Barangay 97.1 LS FM o sa kanilang livestreaming sa Barangay LS sa www.gmanetwork.com/radio.