WATCH: Sophie Albert at Dominic Roco, nagkuwento kay Papa Obet at Papa Marky tungkol sa kulam
August 09 2018
Dalawang talented Kapuso stars ang nakasama ng Talk to Papa hosts na sina Papa Marky at Papa Obet this Thursday afternoon, August 9.
Bumisita ang mga bida sa Magpakailanman episode na Kulam ng Karibal this Saturday night na sina Sophie Albert at Dominic Roco.
Nagkuwento si Sophie sa mga dapat abangan ng mga Kabarangay listeners sa nakakapangilabot na kuwento tampok sa weekly drama-anthology.
Aniya, “This Saturday ang title ng episode namin ay Kulam ng Karibal, so medyo may pagka horror-ish siya!”
“Ako dito si April tapos ever since bata pa lang ako parang may third eye ako, so nakakakita ako ng mga duwende. Mayrun ako mga kaibigan duwende.”
“Eventually nung tumanda ako nagkaroon ako ng boyfriend and it didn’t end well, so pinakulam niya ako. And then from there maraming kababalaghan nangyari,”
Comments
comments powered by Disqus