WATCH: Expect the unexpected at One Up's concert this August 24! | GMANetwork.com - Radio - Articles

Busy sa promotion para sa kanilang big concert ang One Up boyband na bumisita kamakailan sa 'Sikat sa Barangay.'

WATCH: Expect the unexpected at One Up's concert this August 24!

By AEDRIANNE ACAR

 

Busy na sa pagpo-promote ang One Up boyband sa big concert nila next week na gaganapin sa SM North Skydome.

 

Sa exclusive na interview nina Jay Arcilla at Prince Clemente sa Sikat sa Barangay ni Mama Belle, may patikim na sila sa mga gagawin nila sa concert this coming August 24.

Kuwento ni Jay, “Siyempre ma-expect natin dito ‘yung mga hindi n’yo mae-expect talaga na kaya naming gawin. Talagang nakaka-surprise ‘yung mga gagawin namin dito.”

Mapapabilib din ang mga Kapuso na manonood ng kanilang concert, dahil mas mapapansin daw ang kani-kanilang individual talents sa mga performances na ipapamalas nilang lahat. 

Saad ni Prince, “Talagang napakadaming pasabog na production numbers. Mas magshi-shine ‘yung mga individual talents.”